07 Marso 2011

MALIGAYANG KAARAWAN MAHAL NAMING INA!

Bukas, Marso 8, 2011 ay ika-61st kaarawan ng aming mahal na ina. Kaya Ma, Isang Maligayang Kaarawan mula sa iyong nag-iisang anak na babae! hehehe.. Wish namin ay ang patuloy na kalusugan at kaligayahan para sa 'yo Ma at kay Papa! I-enjoy mo lang Ma, ang napaka-espesyal na araw na ito para sa 'yo. Mahal na mahal ka namin! Mwah! :)

20 Pebrero 2011

Narinig ko na!


Nagsimula ang lahat ng mag-inquire ako sa mga simbahan malapit sa amin kung anu ang mga requirements para sa ikakasal sa simbahan, isa sa mga tumatak sa aking isipan ay ang tinatawag sa English na “marriage banns”. Siyempre hindi muna ako ngtanong kung anu yun. Ayoko magmukhang inosente.. ahahaha! Ayun buti inexplain sa akin kung anu yun.. (nabasa kaya ng kausap ko kung anu nasa isip ko, hehehe). Iyon pala ang pag-aanunsyo ng pangalan ng ikakasal (nasa isip ko, bakit? Baka pumunta pa ang hindi imbitado, hehehehe) ng tatlong linggo sa simbahan na malapit sa tirahan. Nalinawan lang ako ng pumunta kami ni Lhan sa simbahan at nagpaschedule. Para pala yun sakaling may pumigil ng kasal or kung may magreklamo na hindi dapat matuloy ang kasal.. ahahahaha! Tinanong naming yung nakausap namin kung kelan iaanunsyo yun, sinabi naman yung date. 

17 Pebrero 2011

Kwento Tungkol sa Pagbuo ng Pag-ibig..

Hulyo taong 2008 nang unang pasok ni Lhan sa aming opisina (ako ay isa sa mga pioneer sa aming opisina) nang panahong nag-aaply pa lamang siya ay hindi ko na din siya pansin sapagkat iyon ay panahon ng paghihilom ng sugat sa puso.. (ahahaha). Base sa aking memorya, nagumpisa magparamdam (daw?) si Lhan nung eksaktong kaarawan nya Oktubre 30, 2008.

14 Pebrero 2011

Maligayang Araw ng mga Puso


Ngayong araw na ito Pebrero 14 ay marami ang nagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Paano nga ba nagsimula ang pagdiriwang na ito? At ito ang isinagot sa akin ni kaibigang “Google”:

>>> Ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ay ipinangalan sa martir na si Valentino. Iniuugnay ang araw na ito sa pag-ibig noong panahon ng high middle ages kung kailan naging popular ang pagpapalitan ng mga sulat sa nag-iibigan.

Para sa sariling opinyon ay araw-araw dapat ay araw ng mga puso. Sapagkat araw-araw dapat nating ipinapakita sa mga mahal sa buhay na mahal natin sila.

08 Pebrero 2011

What Makes Me Loud?

Kapag may pinag-ppray ako tapos si God gagawa ng way para masagot yung mga prayers ko and yung sobrang bilis na answered prayers Niya. Naalala ko nun papunta kami sa isang Church to attend a program/service then dahil rush hours nahirapan kami makahanap ng taxi then habang naglalakad kami may nakasalubong kaming kakilala na may sasakyan at tamang tama na papunta din sa nasabing church ayun sinabay nya kami papunta sa church. Isa yun sa mga patunay na GOD is great talaga and it makes me LOUD kapag alam ko nandyan lang si LORD to guide me and my family. Of course yung everyday prayers ko na hindi magkasakit magulang ko, it makes me LOUD! Ung pag guide sa akin sa work, sa iba’t ibang tao na nakakasalamuha ko, I know I can’t please everybody, pero yung ngitian lang ako, it makes me LOUD na! Ung pag guide sa relationship with my fiancĂ© and yung sa pag guide Niya sa amin ngayong nasa stage kami ng pagplaplano para sa nalalapit na pag-iisang dibdib, IT MAKES ME LOUD!

Dahil sa simpleng tao ako, maraming bagay that makes me LOUD. Pero unang una dito yung faith ko kay LORD kasi as everyday na lumilipas feeling ko mas nagiging strong yung faith ko sa KANYA and dun pa lang sobrang nagiging masaya na ko dahil sa mga blessings na binibigay niya sa amin. Truly God always love us and for that IT MAKES ME LOUD!


PAG-IBIG


Ngayong buwan ng Pebrero ay itinuturing na buwan ng pag-ibig. Pero,ngunit, subalit, datapwat sa aking paniniwala ay dapat araw-araw ang araw ng pag-ibig dahil sa araw-araw n gating buhay ay merong pag-ibig. Anu nga ba ang pag-ibig? Naalala ko noong panahong ako ay nag-aaral pa kapag yung mga klasmeyt ko eh nagpapasagot ng “autograph” lalo na kapag malapit na ang araw ng pagtatapos. Lagi kong sinusulat dun eh.. “LOVE is blind” sa dahilang hindi ko alam nung una, bakit “blind” ang pag-ibig may mata nga ba ang LOVE? Ahahaha!

Natatandaan ko sinabi ng aking mga magulang na huwag muna umibig habang nag-aaral na akin namang nasunod (whew! Haba ng panahon na aking tiniis, ahahaha) Dahil sa ako ay isang masunurin na bata hindi ako ngboyfriend habang ako ay nag-aaral hanggang paghanga (crush) lang ang aking naramdaman. (ayiieee, kinikilig tuloy ako naalala ko yung una kong crush, ahahaha)

03 Pebrero 2011

KABIGUAN



Kanina sa opisina habang nasa aking lamesa at nagsusulat ay biglang ng radyo ang isang kasamahan sa trabaho at pinaalam sa amin na may “promo fare” ang CEBU PACIFIC na “PISO FARE” sa lahat ng domestic flights! Whew! Aaminin ko bigla ako tumigil sa trabaho at biglang na-excite. Agad-agad kong kinuha ang aking cellphone para magpadala ng mensahe kay Lhan at ipaalam ang magandang balita habang naka online din siya sa internet ng mga oras na ‘yon. Siyempre pa at na-excite din ang aking “Mahmine” para dito. 

01 Pebrero 2011

TAAS PASAHE NA NAMAN



Kaninang umaga habang ginagawa ang aking “daily routine”, nagpapalit muna si Mama para ako muna ang magbantay ng tindahan sapagkat may gagawin lang muna siya. Habang ngbabantay ng tindahan aking kinuha ang bagong dyaryo – PILIPINO STAR NGAYON upang basahin. Isang balita ang agad umagaw ng pansin dahil isa ako sa mga apektado.. ahahaha..

PISO DAGDAG PASAHE SA DYIP... simula February 2, 2011… 

PAMAMANHIKAN


Ang pamanhikan ay napakagandang kaugalian na pamana ng ating mga ninuno. Ito ay ginagawa bago ikasal ang magkasintahan. Napakahalaga nito dahil dito pormal na hihingin ng kalalakihan ang kamay ng mga kababaihan bago idaos ang kanilang kasal. Napag-uusapan ng magkabilang panig ang pagtatakda ng araw ng kasal kung saan lahat ay nasa ayos na para sa preparasyon ng kasal. Napakahalaga din nito dahil nagkakakilanlan mabuti ang dalawang partidos.

31 Enero 2011

UNANG BUWAN

Yey! huling araw para sa unang buwan ng taong 2011. At bakit ako masaya? ahihi.. Nabuo ko lang naman ang aking pangako last year na magtitipid at magtatabi ng Php30 mula sa aking allowance kada araw. At thank God nabuo ko siya ngayong unang buwan! Yipee! Nakalikom ako ng Php930 para sa unang buwan ng hindi ko ito nagagastos kahit na late ang aming sweldo ngayong buwan na 'to!

Sana lang kahit ma late pa aming sweldo sa mga susunod na taon eh hindi ko pa rin magastos ang aking iniipon at mag tuloy-tuloy na sana ang aking pagtitipid. Syempre, namimiss ko bumili ng mga nakasanayan ko na lalo na ang pagkain ng kung anu-ano, ngayon eh pinipili ko na lang ang dapat kainin para makatipid. ahihi.. Nabuo ko ang isang buwan at kaya ko pang buuin ang mga susunod pang mga buwan! Naalala ko nung isang gabi ng samahan ko ang isang kaibigan at kasamahan sa trabaho. Bumili siya ng isang pares ng sapatos, ahhhhh nandun ung kagustuhan kong bumili din pero buti na lang naisip ko na nagtitipid nga pala ako at may sapatos pa naman ako na maaari kong gamitin. At eto nga nakabuo ako ng isang buwan, balak ko na itong ilagay sa bangko ng sa gayon eh hindi ko na talaga 'to magagastos.. hihi.. (naniniguro lang.. ahahaha)

27 Enero 2011

SI PONG PAGONG


Kanina sa opisina ay isa sa mga araw na masasabi kong napaka “busy” dahil sa isang insidente na hindi inaasahan na aming hinarap at inasikaso. Isa ‘yon sa mga insidente na hindi ko malilimutan dahil maraming buhay ang nawala sa isang iglap lamang, nakakalungkot lalo na ng makita ko ang ilang larawan na halos
mabali ang mga katawan ng mga kawawang biktima. Katatapos lamang ng isang insidente sa bus na nangyari din sa lugar ng Makati, ngayon naman ay isang “fall incident – gondola failure”. Sino ang mag aakala na ang mga simpleng trabahador na ginagawa ang kanilang trabaho at responsibilidad at mawawalan ng buhay sa isang hindi inaasahan na pangyayari.  Tsk! Tsk!

26 Enero 2011

ANG SAYA!


Talagang ang saya – saya ng pasok ng bagong taon para sa akin. Sunud sunod ang mga blessings na aking natatanggap! Thank you Lord! Kaya wala ng puwang ang mga taong naninira sa kanilang kapwa. Ahihihi..

Kahapon, nangyari ang isa sa mga hindi malilimutang pagkikita ng aming mga magulang ni Lhan. Kanina naman ay nakausap ko sa telepono ang aking mahal na kuya Joey! (ang aming panganay) hindi nyo po naitatanong ako po ay bunso sa apat na mgkakapatid, at nag-iisa lang po akong babae ibig sabihin ay isa akong prinsesa ngunit sa salita lamang. Ahehehe.. Pagsagot ko sa telepono at tinanong niya ay sinabi ko ang aking mga plano sa hinaharap at natawa ako sa kanyang reaksyon na “bakit 21 yrs old ka pa lang ah” ang sabi ko naman ay 22 naman.. nyahahaha!