26 Enero 2011

ANG SAYA!


Talagang ang saya – saya ng pasok ng bagong taon para sa akin. Sunud sunod ang mga blessings na aking natatanggap! Thank you Lord! Kaya wala ng puwang ang mga taong naninira sa kanilang kapwa. Ahihihi..

Kahapon, nangyari ang isa sa mga hindi malilimutang pagkikita ng aming mga magulang ni Lhan. Kanina naman ay nakausap ko sa telepono ang aking mahal na kuya Joey! (ang aming panganay) hindi nyo po naitatanong ako po ay bunso sa apat na mgkakapatid, at nag-iisa lang po akong babae ibig sabihin ay isa akong prinsesa ngunit sa salita lamang. Ahehehe.. Pagsagot ko sa telepono at tinanong niya ay sinabi ko ang aking mga plano sa hinaharap at natawa ako sa kanyang reaksyon na “bakit 21 yrs old ka pa lang ah” ang sabi ko naman ay 22 naman.. nyahahaha!
At kinausap nya ang aking mama at sinabihang “ikakasal na pala ang “baby” nyo ‘ma”. “baby damulag” sabi ni mama.. ahehehe.. at marami pa kaming pinagusapan na aking kinagusto. Bigla ko tuloy na-miss ang kuya ko.. huhuhu..

Nitong hapon lamang ay ng-uusap din kami ni papa, mama at ako (habang nanunuod ng “temptation of wife” hahaha) sila ay ngplaplano kung paano aayusin ang bahay sa pagdating ng bagong kapamilya at kapuso (hehehe) at ikina-touch ko ay nag-iisip sila ng ireregalo kay Lhan. WOW! Naiiyak ako! Napagdesisyunan nila na kwintas. Para sa akin kahit hindi ito matupad basta nalaman ko lang na mahalaga na sa kanila si Lhan sobra na akong masaya para dun. Salamat ‘ma, ‘pa sa suporta at pag unawa sa akin, sa amin! Hindi ko man masabi ng harapan kung gaano ko kayo kamahal, alam nyo na mahal na mahal ko kayo! Hanggang sa pinaka espesyal na araw pa sa akin hindi sana kayo mgbago ng pagsuporta! Sobrang saya ko talaga nitong mga nakaraang araw! Thank you Lord sa lahat-lahat!

1 (mga) komento:

Roh ayon kay ...

thanks Lord!