27 Enero 2011

SI PONG PAGONG


Kanina sa opisina ay isa sa mga araw na masasabi kong napaka “busy” dahil sa isang insidente na hindi inaasahan na aming hinarap at inasikaso. Isa ‘yon sa mga insidente na hindi ko malilimutan dahil maraming buhay ang nawala sa isang iglap lamang, nakakalungkot lalo na ng makita ko ang ilang larawan na halos
mabali ang mga katawan ng mga kawawang biktima. Katatapos lamang ng isang insidente sa bus na nangyari din sa lugar ng Makati, ngayon naman ay isang “fall incident – gondola failure”. Sino ang mag aakala na ang mga simpleng trabahador na ginagawa ang kanilang trabaho at responsibilidad at mawawalan ng buhay sa isang hindi inaasahan na pangyayari.  Tsk! Tsk!
Kakalungkot talaga. Nawa’y sama-sama tayong magdasal para sa mga pamilya ng mga nagbuwis ng buhay habang ginagawa ang kani-kanilang trabaho. At sana’y hindi na masundan ang mga ganitong insidente. Wala na sana ang masaktan pa at mawalan ng buhay dahil sa mga insidenteng tulad nito.

Dahil sa insidente, sobra akong nakaramdam ng gutom akalain mo alas dos y medya na ako nakakain ng tanghalian. Sobra na akong nakaramdam ng panghihina kaya ako ay nagpaalam na sa aking supervisor na mag tanghalian kahit wala akong kasama dahil ang mga ka-opisina ko ay  mga abala din sa kanya  kanyang ginagawa. 

Buti na lang at may dumating na bisita, si Pong Pagong! Kahit paano ay natuon ang aming pansin sa kanya sapagkat sino ang mag-aakalang may pagong na nakita sa isang gasolinahan sa isang lugar dito sa Makati. Agad akong lumabas at tinungo an gaming “lobby area” para masilayan si Pong Pagong. Malaki ang pagong na ‘to, dinala sa aming opisina ng mga “barangay rescue personnel” mula sa isang Barangay sa Makati. Kahit paano ay nawala ang aking lungkot dahil kay Pong Pagong, minsan lang kasi ako makakita ng mga ganitong klaseng hayop. Sana ay  madala sila sa tama nilang pag lagyan. Welcome sa aming opisina Pong Pagong! Hihi.. Narito ang ilang larawan ni Pong Pagong..


2 (mga) komento:

Roh ayon kay ...

pong pagong bow!

mangpoldo ayon kay ...

anong klaseng pagong yan? may breed?