May natanggap akong text message mula sa hindi nakarehistrong numero na nakikisuyo na sabihin ko daw sa isa naming kasamahan na i-cancel ang pagbili ng burger. Agad ko syang sinagot ng “hu u?” ayun si Lhan nga daw siya tsaka ko pa lang sinabi sa kasamahan namin dahil kasalukuyan kaming ngrereview nung panahon na yun sa isang unibersidad dito sa Makati (sa madaling salita isang istorbo si Lhan sa akin nuon, hehehehe). Nang pagkasabi k okay A.L. nun eh bigla sa natuwa, syempre agad akong ngtanong sabi ko “bakit?” sabi nya “may sahod na, manlilibre si Matti (tawag kay Lhan ng mga kasamahan naming) birthday nya ngayon. Ayun kaarawan pa pala ni Lhan, nahiya naman ako agad ko siyang tinext ulit at sinabing “happy birthday” at nagpasalamat naman sya (buti naman, hehehehe). Pagkatapos ng pag-rereview agad kaming bumalik sa opisina sapagkat may praktis pa kami para sa aming palabas para sa “Halloween” kinabukasan. Habang nasa pantry kami at nagtatawanan natandaan ko pumasok si Lhan at nakangiti (sa isip ko, bakit kaya nakangiti ‘to?) eh di nginitian ko din sya at nagbiruan na kami after nun.
Kinabukasan, nagsuot na ako ng costume para sa palabas ng bawat grupo marami ang nagulat sa ayos ko sapagkat minsan lang daw ako mag-ayos ng ganito (tingnan ang larawan..)
Marami ang ngpapapicture pero nasa tabi lang ako dahil kinakabahan ako sa palabas namin, sabi ni Lhan isa daw sya sa mga gustong magpapicture pero hindi ko daw sya pinapansin nun, asus! Hehehehe.. hanggang sa matapos ang palabas at nanalo ang aming grupo! Yeheyyyyy! (hindi ko ka-kagroup si Lhan, kaya talo sila, ahahahaha)
Lumipas ang ilang araw, isang gabi may ngtext sa akin si Ate Lheia – isa din kasamahan namin sa trabaho ni Lhan at nagtanong kung sakaling may manligaw sa akin ok lang daw ba? Dinaan ko sa biro ang aking sagot sabi ko kung meron yang bahay at lupa ok lang. Anu daw gusto ko sa isang lalaki (huh? Anu ba yun ako ba eh nasa showbiz show? Ahihihi) sabi ko basta may bahay lupa ok na yun. Hanggang sa hindi nya pa din sinabi kung sinu ‘tong mystery guy (yun pala si Lhan na!) hindi alam ni ate Lheia eh nakafirst base na si Lhan nanliligaw na nga.. hehehehe..
Maraming beses din akong niyaya ni Lhan na lumabas o kaya ihatid sa bahay pero ganung beses ko din sya tinanggihan at inilihim pa namin sa opisina ang ligawang nangyayari. Dahil yun yung time na kagagaling ko lang sa isang bigong pag-ibig at gusto ko munang ipahinga ang aking puso sa pagmamahal dahil feeling ko masasaktan na naman ako. Dumating yung naaawa na ‘ko sa kanya sa kakatanggi ko, minsang may kumausap sa akin si Jen “GF” kung aking tawagin na kasamahan din sa trabaho, ang nagsabi sa akin na “bigyan mo siya ng chance”. Ayun binigyan ko nga ng chance “first date” namin sa Tokyo-tokyo restaurant sa Market-Market Mall (ewan ko kung tanda pa ‘to ni Lhan, lagot sya sa akin pag hindi, hehehehe, jokes!)
Ligawan kami ngunit dumating din sa time na pinahinto ko sya sa panliligaw dahil ayoko talaga ng kasama sa trabaho pero na-feel ko parang namimiss ko sya. Namimiss ko yung lagi syang nandyan sa likod ko at laging kasama, namimiss ko yung mga text nya. Pero dahil sa pareho ang aming nararamdaman, nakuha nya ang aking sagot noong Disyembre 19, 2008 parehong kaming masaya noong gabing un! (hihihi.. ayiiiieee!) Lalo akong kinilig nang kantahan nya ako ng “Beautiful in my eyes” sa harap ng mga kasama sa trabaho at supervisors naming, tinawag pa ‘ko ng isang supervisor at pinaupo sa gitna hiyang-hiya ako noon pero sympre kiliiiiiiiigggggg! Ahahaha! Umuwi kaming nalaman na ng lahat na kami na. hehehe..
Marami ding pagsubok ang dumaan sa relasyon naming ni Lhan sa mahigit dalawang taon naming pagsasama nandun yung awayan, sagutan at minsa’y naghiwalay din pero nanaig pa din sa amin ang pagmamahal para sa isa’t isa. At ngayon nga, nasa stage kami ng pagplaplano ng aming pag-iisang dibdib sa nalalapit na panahon, matapos ang dalawang beses nyang pagpo-propose (hihihi, yung una kasi hindi natuloy, sori!). Gumawa pa si Lhan ng blog proposal my-blog-marriage-proposal matutuloy na din ang pag-iisang dibdib. Gusto ko pasalamatan si Lhan sa lahat ng mga pinagdaanan at mga pagsubok natin, salamat at nanaig pa din ang pagmamahal at respeto natin sa isa’t isa nawa’y hindi tayo magbago sa ating nararamdaman, gusto ko ding pasalamatan ang aking mga magulang at mga kuya sa pagbibigay ng blessing para sa aming dalawa, salamat sa pagmamahal sa amin ni Lhan, salamat po sa pag-unawa sa amin, at higit sa lahat kay LORD na patuloy ang paggabay sa aming relasyon, sa patuloy na pagbibigay ng guidance at lakas sa aming dalawa. Kaya mga kaibigan at ka-blogs, patuloy sana ang pagsuporta nyo sa amin kahit mag-asawa na kami ni Lhan lalo na sa kanya. Hihi..
3 (mga) komento:
Hihihi. Salamat sa pagshare nito mahmine.. ^^ love it! Labyu so much mahmine ko! ahihihi! mwaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!! tsup!
congrats naman po.. at talagang nagtampo pa si lhan sa hindi mo pagsama sa pektyur ha... almost two years.. matibay na yan para sa pundasyo sa pagtungo nyo sa mundo ng mag-asawa galing sa mundo ng magkasintahan.. :)
happy para sa inyong dalawa...
weeeeeh! Nice.... bess wishes sa inyong dalawa ni Kuya Lhan!!! :)
Mag-post ng isang Komento