Ngayong buwan ng Pebrero ay itinuturing na buwan ng pag-ibig. Pero,ngunit, subalit, datapwat sa aking paniniwala ay dapat araw-araw ang araw ng pag-ibig dahil sa araw-araw n gating buhay ay merong pag-ibig. Anu nga ba ang pag-ibig? Naalala ko noong panahong ako ay nag-aaral pa kapag yung mga klasmeyt ko eh nagpapasagot ng “autograph” lalo na kapag malapit na ang araw ng pagtatapos. Lagi kong sinusulat dun eh.. “LOVE is blind” sa dahilang hindi ko alam nung una, bakit “blind” ang pag-ibig may mata nga ba ang LOVE? Ahahaha!
Natatandaan ko sinabi ng aking mga magulang na huwag muna umibig habang nag-aaral na akin namang nasunod (whew! Haba ng panahon na aking tiniis, ahahaha) Dahil sa ako ay isang masunurin na bata hindi ako ngboyfriend habang ako ay nag-aaral hanggang paghanga (crush) lang ang aking naramdaman. (ayiieee, kinikilig tuloy ako naalala ko yung una kong crush, ahahaha)
Ang pag-ibig ay hindi lamang sakop ang pag-ibig para sa “boyfriend/girlfriend”. Pag-ibig din na maituturing ang ating pagmamahal sa magulang, sa mga kamag-anak, sa mga kaibigan at sa iba pang tao (ang kaaway ay dapat din nating minamahal, ehem!)
Nung nakaraang Sabado ay isa ako sa mga mapalad na naimbitahan sa “Saturday service” ng VICTORY CHURCH. Tamang-tama at wala akong pasok, nung una ay nagdadalawang isip ako kung pupunta maliban sa puyat ako nun eh wala pa akong kasama pero gusto talaga siguro ni LORD na pumunta ako dun, kaya ayun punta ako buti at lakaran lang ang katapat at nasa “EVERY NATION BUILDING” na kaagad ako. Nahihiya ako nung una hindi ko naman unang beses na pumunta dito, ngunit unang beses na ako lang mag-isa ang pumunta (may pasok kasi ang aking mahal na si Lhan, huhu). Akala ko nguumpisa na pagdating ko pero salamat kay Lord hindi pa at tamang tama ang aking dating agad akong naghanap ng mauupuan. Nawili ako sa pakikinig sa pastor nagpaliwanag tungkol sa “LOVE”, may mga natutunan ako dahil dito. Na gusto ko ibahagi sa mga mambabasa ng aking blog, may tatlong “aspects” bago ka magmahal ng ibang tao. Siyempre dapat mahalin mo muna ang iyong sarili bago ka magmahal ng iba.
Una. “ACCEPT YOUR UNIQUENESS” Iba-iba man an gating itsura para kay LORD, pare-pareho ang Kanyang pagtingin para sa ating lahat. Kaylangan nating tanggapin kung anu at sino talaga tayo. Walang pagpapanggap.
Pangalawa. “ACCEPT YOUR SEXUALITY” Gumawa si LORD ng dalawa lamang na kasarian. Marami sa atin ang may “issue” sa bagay na ito. Maganda sapagkat ang “VICTORY CHURCH” ay handang tumulong para sa bagay na ito.
Pangatlo. “ACCEPT YOUR VALUE” Ang pagtingin ng ibang tao sa iyo ay depende sa pagtingin mo sa sarili mo. Kung ano ang trato mo sa iyong sarili ay syang trato ng ibang tao sa ‘yo. Kaya dapat nating itaas ang moral ng ating mga sarili, para maging mataas din ang pagtingin ng ibang tao sa atin.
Bago tayo magmahal ng iba ay dapat munang BUO ang ating pagkatao para maging buo din ang ating pagmamahal sa iba.
Gusto ko lang din ibahagi sa inyo ang sinabi ni Andre Gide..
“It is better to hated for what you are than to be love for something you are not”
2 (mga) komento:
galing naman ni mahmine ko ^^ nakikinig sa pangaral! ^^ love you! mwah!
happy valentines ate mhay at kuya lhan.. Sweet naman ng comment ni kuya lhan hehe
Mag-post ng isang Komento