Kaninang umaga habang ginagawa ang aking “daily routine”, nagpapalit muna si Mama para ako muna ang magbantay ng tindahan sapagkat may gagawin lang muna siya. Habang ngbabantay ng tindahan aking kinuha ang bagong dyaryo – PILIPINO STAR NGAYON upang basahin. Isang balita ang agad umagaw ng pansin dahil isa ako sa mga apektado.. ahahaha..
PISO DAGDAG PASAHE SA DYIP... simula February 2, 2011…
Panibagong dagok kay Juan na naman ito. Ang ibig lang sabihin nito ay 8 pesos na ang minimum fare? Hayyyy! Kahit na sabihin na madalas akong sunduin ni Lhan gamit ang kanyang motorsiklo eh aba, apektado din ako nito ah! Sapagkat, datapwat subalit ngkokomute din ako lalo na kung may pasok si Lhan! Tsk! Tsk! Oo naintindihan ko na karaniwang tao lang din ang mga dyipney driver kaya tulong din sa kanila ang pagtaas ng pasahe pero mas marami sa kanila ang gahaman.. ay naku! Paano na ang mga simpleng tao na katulad ko? Ahahaha! (mag motor na lang kaya ako, pag may pasok si Lhan hiramin ko? Kung pwede nga lang eh, pero hindi talaga pwedeeeeeeeee!) Hay sana naman sa pagtaas ng pasahe ay may makita tayong pagbabago mula sa mga drivers. Pag mga estudyante at “senior citizen” bigyan nyo ng nararapat na diskwento!
2 (mga) komento:
corrected by!
sobrang taas na kasi ng gas at kurudo ngayon. ok lang naman magtaas ng pasahe ang mga jeep, kasi talagang kinukulang din sila, pero dapat naman, tumabi naman sila ng tama sa kalsada pag magbababa at magsasakay sa pasahero at wag naman gawing terminal ang babaan at sakayan diba?
ang layo ko na hehehe
gandan araw po..
Mag-post ng isang Komento