Nagsimula ang lahat ng mag-inquire ako sa mga simbahan malapit sa amin kung anu ang mga requirements para sa ikakasal sa simbahan, isa sa mga tumatak sa aking isipan ay ang tinatawag sa English na “marriage banns”. Siyempre hindi muna ako ngtanong kung anu yun. Ayoko magmukhang inosente.. ahahaha! Ayun buti inexplain sa akin kung anu yun.. (nabasa kaya ng kausap ko kung anu nasa isip ko, hehehe). Iyon pala ang pag-aanunsyo ng pangalan ng ikakasal (nasa isip ko, bakit? Baka pumunta pa ang hindi imbitado, hehehehe) ng tatlong linggo sa simbahan na malapit sa tirahan. Nalinawan lang ako ng pumunta kami ni Lhan sa simbahan at nagpaschedule. Para pala yun sakaling may pumigil ng kasal or kung may magreklamo na hindi dapat matuloy ang kasal.. ahahahaha! Tinanong naming yung nakausap namin kung kelan iaanunsyo yun, sinabi naman yung date.
Nag-usap kami ni Lhan na magsimba ng maaga sa itinakdang araw ng Linggo, ngunit unang Linggo ay nadismaya kami pareho (lalo na ako) sapagkat pinapark pa lang namin ang kanyang motor eh ayun naririnig ko na ang inaanunsyo… huhu. Pagpasok namin ng simbahan ayun tapos na ang pag-aanunsyo.. huhuhu.. gusto ko pa namang marinig yun na magkasama kami. Ang mga susunod na Linggo ay hindi na tugma ang aming pagpasok sa trabaho. Tsk! Tsk! Lungkot ko talaga.
Kagabi na-excite na naman ako kahit hindi ko makakasama si Lhan sapagkat may pasok siya nagsimba ako ng maaga at binalak na i-record ang anunsyo (ganito ako ka-excite! Hihi..) at kanina, pagkagising ko sinabi ni mama na narinig daw ng isang kapitbahay yung pangalan namin para sa mga ikakasal. Lalo akong nasabik pumunta ng maaga sa simbahan.. hehehe.. pagdating ko ng simbahan presto! Matatapos na ang isang misa. Humanap kaagad ako ng upuan malapit sa nag-aanunsyo (hahaha, adik lang talaga di ba?) Dun ako umupos sa unahan, presto! Ganda ng upuan na napili ko malapit na sa nag-aanunsyo tapat pa ng bentilador.. sarap ng upo! Hehehehe.. Patuloy ang pagmamasid ko kung may lalapit sa mikropono agad kong kinuha ang aking cellphone para magrecord nang sa gayun marinig din ni Lhan kahit sa record lang, ai mali! Hindi pala siya ang nag-aanunsyo inayos niya lang pala ang mikropono. Si ate naman pina-excite ako! Tinago ko ulit ang cellphone! Nang may lumapit na naman na teenager sa mikropono, inisip ko muna kung kukunin ang cellphone baka mapahiya na naman ako sa sarili ko eh, inayos niya ang mikropono tinapat sa bibig.. **ito ang aking nasa isipan: “siya na ba ang mag-aanunsyo? Kukunin ko na ba ang cellphone ko?” whaaaa! At bigla siyang ngsalita ng.. “panawagan para sa mga ikakasal…” Agad ko nang kinuha ang cellphone para mairecord at isinet.. hayyy buti hindi kami ang unang pangalan na sinabi nasa bandang pangatlo sa huli ang aming pangalan. Nang marinig ko ang kanyang sinabi na “ikakasal si Rholand Matias na anak nina…” natuwa ako talaga! Yehey! Narinig ko din sa wakas! Hindi ko man kasama si Lhan at least narinig ko sa dalawang tenga ko ang mga pangalan namin! Yipeee! Pero mas masaya sana kung kasama ko si Lhan habang pinakikinggan ang pag-anunsyo sa aming kasal.. paparinig ko kaagad sa kanya 'to.. hihi..
2 (mga) komento:
padinig ako nyan tomorrow mahmine! thanks po! yabyu!
sure mahmine! gusto mu send ko na eh... hehehe.. =)
Mag-post ng isang Komento