Ngayong araw na ito Pebrero 14 ay marami ang nagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Paano nga ba nagsimula ang pagdiriwang na ito? At ito ang isinagot sa akin ni kaibigang “Google”:
>>> Ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ay ipinangalan sa martir na si Valentino. Iniuugnay ang araw na ito sa pag-ibig noong panahon ng high middle ages kung kailan naging popular ang pagpapalitan ng mga sulat sa nag-iibigan.
Para sa sariling opinyon ay araw-araw dapat ay araw ng mga puso. Sapagkat araw-araw dapat nating ipinapakita sa mga mahal sa buhay na mahal natin sila.
Hindi lang din ito para sa mga magkasintahan, para sa lahat ito na may minamahal at sigurado ako lahat tayo ay may mahal sa buhay mapa-magulang, mapa-kapatid, mapa-kaibigan, mapa-kamag-anak at higit sa lahat mapa-kasintahan. Usong-uso na naman ang mga “greetings card”, bulaklak, chocolates at marami pang pwedeng ipanregalo sa isang espesyal na tao.Bago sumapit ang araw na ‘to, may usapan kami ng aking mahal na si Lhan na hindi muna kami magreregalo sa isa’t isa para sa pinaghahandaang okasyon. Siyempre hindi na nag-expect ang inyong lingkod ng kahit anu gayunpaman, katulad ng mga kapwa babae umasam din ako na mabigyan kahit isang bulaklak sa araw na ‘to pero winaglit ko kaagad sa aking isipan ang paghahangad na ito (kahit na habang kausap ko siya sa telepoo kagabi ay nagbiro ako na “wala ba akong flowers? Ahihi..”)
Dumating ang araw na ito, sa opisina habang ako ay pauwi at sya naman ang papasok pagbukas ko ng isang pinto ayun si Lhan! May dalang regalo na aking ikinatuwa hindi lang bulaklak pakitingnan na lang ang mga larawan. Ahihi… Sobra akong natuwa sa ipinakitang lambing ng aking mahal! Ayiiiieee! Syempre kinilig ang inyong lingkod, ahahahaha! Salamat mahmine ko! Aylabyusomats!
Maligayang araw ng mga puso! Nawa’y hindi lang sa araw na ito ating maipakita sa ating mahal ang ating pagmamahal sa kanila. Gawin nating araw-araw! Sapagkat araw-araw ay “araw ng mga puso” hihi..
6 (mga) komento:
Happy valentines! Napadaan dito... hehehehhehehe
welcome mahmine! happy valentines! ayabyumats! mwah!!!!!!!
weeeehh kilig much!! hahahaha happy balentayms sa inyong dalawa!!
happy valentine's day po kahit late na.. ang cheezzzyy ni mahal hehehe.. :)
ayun oh! hahaha.. hmm naalala ko ang gift na yan.. ahaha..kasama ko si lhan nung binili yan. haha
thanks xander! :)
Mag-post ng isang Komento