03 Pebrero 2011

KABIGUAN



Kanina sa opisina habang nasa aking lamesa at nagsusulat ay biglang ng radyo ang isang kasamahan sa trabaho at pinaalam sa amin na may “promo fare” ang CEBU PACIFIC na “PISO FARE” sa lahat ng domestic flights! Whew! Aaminin ko bigla ako tumigil sa trabaho at biglang na-excite. Agad-agad kong kinuha ang aking cellphone para magpadala ng mensahe kay Lhan at ipaalam ang magandang balita habang naka online din siya sa internet ng mga oras na ‘yon. Siyempre pa at na-excite din ang aking “Mahmine” para dito. 


Hindi nyo naitatanong mahilig akong mag lakbay (pero isang beses pa lang ako nakasasakay ng eroplano). Gusto ko makakita ng iba-ibang lugar, maganda kasi sa aking pakiramdam ang makakita ng magaganda at ibang lugar. Feeling ko nakaka-refresh ang makakita ng iba’t ibang lugar! Kaya ganun na lang ang aking excitement pero hindi ko pinahalata sa aking mga ka-opisina. Dahil sila din ay gustong makakuha ng tiket at sila’y aalis. Dahil sa laki ako dito sa Maynila eh nandun yung eagerness ko makapunta sa iba’t ibang probinsya.

Ngunit nang mag-papabook na kami sa internet… tsk! Ang bagal nang  pag load ng website ng CEBU PACIFIC! Siguro madami din talaga ang nagbabakasaling makakuha ng tiket. Huhuhu, handa naman na kami para sa mga impormasyon na kailangan ng mga kasama. Pero hanggang sa matapos ang aming duty ay hindi kami nagtagumpay pra mai-book ang aming pag-alis.. huhuhu.. Bigo talaga sayang ang PISO na pamasahe lamang makakarating sana ulit ako ng Bohol or Puerto Prinsesa, Palawan ayon sa napag-planuhan. Kakalungkot talaga.. 

Pero siyempre hindi natatapos dito ang aking pangarap, dahil marami pa namang araw para umalis mag-iipon ako at kahit hindi promo aalis pa din ako.. nyahahahaha! Hindi pa siguro oras para iwan ang Kamaynilaan.. Naniniwala akong ibibigay ni Lord ang aking pangarap na makapunta sa ibang mga lugar base sa kanyang kagustuhan.. hihihi…

4 (mga) komento:

TAMBAY ayon kay ...

ganda nga ng promo na yan.. sayang nga.. totoo ba yan? aheheh..

marami pa naman time, aba malay mo eh dun ka dalhin ni parekoy lhan sa hongkong para sa honeymoon :)

mhay19 ayon kay ...

ahahaha! uu totoo 'to may isa akong friend na nkapagpa-book! swerte nga nia eh.. hihi..

MiDniGHt DriVer ayon kay ...

hehe.. kahapon pa yan.. sobrang hirap nga lang magload nung site.. tyagaan lang talaga:)

Roh ayon kay ...

sayang talga! may next time pa tau mahmine! dont worry!