01 Pebrero 2011

PAMAMANHIKAN


Ang pamanhikan ay napakagandang kaugalian na pamana ng ating mga ninuno. Ito ay ginagawa bago ikasal ang magkasintahan. Napakahalaga nito dahil dito pormal na hihingin ng kalalakihan ang kamay ng mga kababaihan bago idaos ang kanilang kasal. Napag-uusapan ng magkabilang panig ang pagtatakda ng araw ng kasal kung saan lahat ay nasa ayos na para sa preparasyon ng kasal. Napakahalaga din nito dahil nagkakakilanlan mabuti ang dalawang partidos.

Noong Enero 25, 2011 ay itinakda ang isang hindi malilimutan na petsa para sa amin ni Lhan sapagkat idinaos ang tradisyunal na pamamanhikan. Subalit iniba naming ang tradisyon na iyon, sa halip na sa aming tahanan idaos ay mas pinili ng bawat partidos na sa isang kainan na lamang idaos. Bago kasi makarating sa aming tahanan dadaan sa isang mahabang hagdanan na kung saan hindi na kakayanin pa ng mama ni Lhan na umakyat sa ganung taas ng hagdan, inisip na lang naming kung saan mas mapapadali para sa bawat isa. Pinili naming ang Max Restaurant. Unang beses na kakain ang bawat partidos sa nasabing kainan. Bago nga pala ang araw na ito ay pareho kaming kinakabahan ni Lhan sapagkat unang beses magkikita ng aking magulang at ng kanyang magulang. Kinakabahan at excited – ito ang pinakaeksaktong salita sa aming nararamdaman.

Dumating ang araw at dala ng sobrang trapik (ito din ang araw na kung saan may sumabog na bus sa Edsa-Buendia) dala siguro ng mga pangyayari sa paligid. Nang dumating ang pamilya ni Lhan agad nagkamayan sina Papa at Papa ni Lhan, gayundin ang aming mga Mama at Tita ni Lhan. Usapan… Usapan… Kami naman ni Lhan ay abala sa pagpili ng pagkain para sa lahat. Isip ng isip para sana magustuhan ng lahat ang pagkain na aming pipiliin. Kainan... usapan….. kainan…. Usapan..

Natapos ang pamamanhikan na masaya ang aking pakiramdam sapagkat ibinigay na nila sa amin ang kanilang “blessing” para sa aming planong pag-iisang dibdib sa nalalapit na panahon. Hindi ko malilimutan ang sinabi ni Papa sa Papa ni Lhan bago nghiwa-hiwalay. “Pare, ibigay na natin ang blessing natin tuloy na tuloy na ‘to.” Gusto ko maiyak sa sinabi ni Papa na ‘yon hindi mahilig si Papa magdrama kaya feeling ko na-touch nya ang aking puso sa pagkakataon na iyon. 

Gusto kong magpasalamat sa aking Papa at Mama sa ibinigay nilang blessing at pagsuporta sa aming mga plano naway wag po kayong magsawa sumuporta sa amin (alam ko naman na hindi nyo kami pababayaan),  mahal na mahal ko kayo. Sa magulang ni Lhan – maraming salamat din po sa pag unawa at suporta, sa aming mga kaibigan na patuloy ang pagsuporta sa aming relasyon, kay Tita Ethel – ang maiituturing kong “spiritual adviser” Tita salamat po sa lahat ng prayers! At higit sa lahat kay LORD maraming salamat po ibinigay Ninyo sa akin ang lalaking aking mamahalin nang habang buhay, salamat sa lahat ng blessings sa aming relasyon. 

Kita kits mga friends sa itinakdang araw.. May dalawa nga pala kaming policies sa araw na iyon.. (1) ang regalo ay dalawa lang ang pagpipilian LCD television o Kitchen showcase, ahahaha! (2) pag pupunta ka sa araw na iyon, ang rule ay “bring your own baon” nyahahaha!... jokes lang ‘to! Ahihihi..

6 (mga) komento:

LhanLhan ayon kay ...

^^ JAnuary 25, 2011!!

ISTAMBAY ayon kay ...

congrats po sa inyo..

@ lhan.. ikakasal ka na.. iiwan mo akong nagiisa.. ahaha kumakanta lang...

congrats talaga.. weeee.. :)

mhay19 ayon kay ...

@istambay: salamat po! hindi ka nia iiwan subalit sasamahan mo pa xa. nayahaha! :)

Kamila ayon kay ...

hindi ko alam kung nakabisita na ako dito.. pero waaaahh.. parang naiiyak naman ako!! Weeeehh! Ang happiness!!! Masaya ako para sa inyo.... ni Kuya Lhan!!!!! :)

halojin ayon kay ...

napaka gandang kaugalin talga ng pamamanhikan.. :) napa gandang tradition ntn ito. Nga pla congrats po!

f e R r y j H o i ayon kay ...

oi Cess first time ko dito!!! promise when I read this post!! naiiyak ako!!! because I know the feeling eh!! kinakabahan pero sobrang saya!!!

Like you Cess ^_6 I want to thank my parents for the unfailing love and support for the two of us...
Kahit na alam kung hindi pa nila gustong mag asawa ako eh!!! support lang ever!!! I am the youngest daugther, and they might lose a baby girl when that's happen...

Congrats, am happy sa inyo dalawa!! Cess please send mo you YM or add me here (fj_villahermosa@yahoo.com) yung pinangako ko kay lhan isisend ko nah!!1

My hugss para sa inyo!!!
keep the love burnin' ^_^ love ko kayong dalawa!!! invite nyo ako huh