31 Enero 2011

UNANG BUWAN

Yey! huling araw para sa unang buwan ng taong 2011. At bakit ako masaya? ahihi.. Nabuo ko lang naman ang aking pangako last year na magtitipid at magtatabi ng Php30 mula sa aking allowance kada araw. At thank God nabuo ko siya ngayong unang buwan! Yipee! Nakalikom ako ng Php930 para sa unang buwan ng hindi ko ito nagagastos kahit na late ang aming sweldo ngayong buwan na 'to!

Sana lang kahit ma late pa aming sweldo sa mga susunod na taon eh hindi ko pa rin magastos ang aking iniipon at mag tuloy-tuloy na sana ang aking pagtitipid. Syempre, namimiss ko bumili ng mga nakasanayan ko na lalo na ang pagkain ng kung anu-ano, ngayon eh pinipili ko na lang ang dapat kainin para makatipid. ahihi.. Nabuo ko ang isang buwan at kaya ko pang buuin ang mga susunod pang mga buwan! Naalala ko nung isang gabi ng samahan ko ang isang kaibigan at kasamahan sa trabaho. Bumili siya ng isang pares ng sapatos, ahhhhh nandun ung kagustuhan kong bumili din pero buti na lang naisip ko na nagtitipid nga pala ako at may sapatos pa naman ako na maaari kong gamitin. At eto nga nakabuo ako ng isang buwan, balak ko na itong ilagay sa bangko ng sa gayon eh hindi ko na talaga 'to magagastos.. hihi.. (naniniguro lang.. ahahaha)

27 Enero 2011

SI PONG PAGONG


Kanina sa opisina ay isa sa mga araw na masasabi kong napaka “busy” dahil sa isang insidente na hindi inaasahan na aming hinarap at inasikaso. Isa ‘yon sa mga insidente na hindi ko malilimutan dahil maraming buhay ang nawala sa isang iglap lamang, nakakalungkot lalo na ng makita ko ang ilang larawan na halos
mabali ang mga katawan ng mga kawawang biktima. Katatapos lamang ng isang insidente sa bus na nangyari din sa lugar ng Makati, ngayon naman ay isang “fall incident – gondola failure”. Sino ang mag aakala na ang mga simpleng trabahador na ginagawa ang kanilang trabaho at responsibilidad at mawawalan ng buhay sa isang hindi inaasahan na pangyayari.  Tsk! Tsk!

26 Enero 2011

ANG SAYA!


Talagang ang saya – saya ng pasok ng bagong taon para sa akin. Sunud sunod ang mga blessings na aking natatanggap! Thank you Lord! Kaya wala ng puwang ang mga taong naninira sa kanilang kapwa. Ahihihi..

Kahapon, nangyari ang isa sa mga hindi malilimutang pagkikita ng aming mga magulang ni Lhan. Kanina naman ay nakausap ko sa telepono ang aking mahal na kuya Joey! (ang aming panganay) hindi nyo po naitatanong ako po ay bunso sa apat na mgkakapatid, at nag-iisa lang po akong babae ibig sabihin ay isa akong prinsesa ngunit sa salita lamang. Ahehehe.. Pagsagot ko sa telepono at tinanong niya ay sinabi ko ang aking mga plano sa hinaharap at natawa ako sa kanyang reaksyon na “bakit 21 yrs old ka pa lang ah” ang sabi ko naman ay 22 naman.. nyahahaha!